P5-M halaga ng medical supplies ibibigay sa Manila Hospitals

 

Inutos kahapon ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang pamamahagi ng may P5-milyong halaga ng medical supplies sa mga health center at ospital na pinatatakbo ng lungsod.

Ito ay matapos tanggapin mula sa 3P Foundation na nakabase sa Amerika at pinamumunuan ni Armando de Rossi bilang Chairman at kay Cong. Aniceto Saludo Jr., ang humigit kumulang na 200 kahon ng iba't -ibang medical supplies na nagmula pa sa Estados Unidos.

Agad na ipinatawag ni Lim ang mga Pinuno ng mga ospital ng lungsod ng sina De. Fidel Chua, ng ospital ng Maynila; Dr. Teodoro Martin ng Ospital ng Tondo; Dr. Evangeline Malacca ng Gat. Bonifacio Medical Center at Janet Tan ng Ospital ng Sampaloc, upang smahan siyang tanggapin ang mga nasabing donasyon at magpasalamat.

Napagalaman naman kay Der Rossi na ang pagbibigay ng mga nasabing supplies ay gagawin nang regular sa tanggapan ni Lim.
Jerry S. Tan